Q and A of President Aquino’s First 100 days, October 7, 2010


THe Question and Answer portion on President Aquino 100 days in office.
JAINA ABDULMAJID (volunteer and coordinator of Gawad Kalinga in Sulu): Good morning, Mr. President. Assalamu alaikum.

Ako po ay isang nanay na marami pong mga pangarap sa aking mga anak. Kasama na po sa mga pangarap na ‘yun ang isang pangarap para sa mapayapang Mindanao, lalo na po sa Sulu. Mr. President, ang tanong ko po is, what are your investments towards a peaceful, lasting and sustainable peace in Mindanao particularly po sa Sulu? Ano po ‘yung kayang itaya ng ating Pamahalaan para magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao lalong lalo na po sa Sulu? Maraming salamat po.
PRESIDENT AQUINO: (adlib) Salamat po. Talagang nagdadamayan tayo pati sa paggamit ng mic. Unang-una po, talagang priority po ng ating mga peace advisers ‘yung paghahanap ng katahimikan at kapayapaan, ‘yung talagang long and final agreement ng solution to peace—to attain peace in Mindanao. Nabuo na po natin ang negotiating panel tungo dito. Sila po ay nabigyan na ng instructions para sa negotiating parameters. Nakipag-ugnayan na rin po tayo sa bansang Malaysia kung saan sila ‘yung third party negotiator. At tayo po ay hopeful na talaga naman pong malapit na ‘yung starting position ngayon kaysa noong araw. At ang minumungkahi nga po natin dapat maging all inclusive lahat ng mga tinatawag nating stakeholders, ‘no, na apektado nitong peace agreement na ito ay magkasama-sama dito sa diyalogong ito at mag-uumpisa kung hindi ako nagkakamali, eh, itong buwan na ito; Oktubre kung hindi po pinaka-late na po ‘yung sa November. ‘Pag nandoon na po ‘yung katahimikan, natural po pwede na nating pasukan ‘yung ibang mga pangangailangan lalo na po doon sa kabuhayan. ‘Yung kakulangan ng kabuhayan ang s’yang talagang ugat ng ating pagkakaintindihan diyan. At ang iba naman po na gusto nating itulak din, ngayong may problema po sa Mindanao— ang kuryente—at ang pagkaintindi ko po ay baka ngayong hapon, eh, maaayos na natin at least itong brownout. Sa kasalukuyan, magiging tungo rin ng power ang pag-unlad ng ekonomiya. Mababawasan ang pagkadismaya ng ating mga kababayan at kapatid po sa buong Mindanao, para naman po manumbalik sa sistemang umiiral sa atin pong mga batas na pinapatupad na dapat makinabang ang lahat doon. Salamat po.

Support this blog