Christmas Message of President Benigno S. Aquino III, December 2010

Christmas Message
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
[Taped on December 20, 2010 at the Rizal Ceremonial Hall, Malacañan Palace]
Isang masagana at maligayang pasko po sa inyong lahat.
Madalas nating naririnig na iba talaga ang Paskong Pinoy. Nasa loob man o labas ng ating bansa, damang-dama natin ang ngiti at saya tuwing nagtitipon at nagdiriwang ang buong pamilya.
Lubos akong nagagalak sa ating pagsisikap na itaguyod ang kultura at mga kaugaliang bumubuo sa ating pagka-Pilipino: pagkakaisa, pagbabayanihan, at pag-asa sa harap ng anumang pagsubok.

Lagi po sana nating isapuso sa kabila ng ating pagdiriwang ang tunay na diwa ng Pasko:
Pasasalamat sa Poong Maykapal na inialay sa atin ang sarili Niyang anak upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan.
Nawa’y maipamalas din natin ang ganitong pagmamalasakit at pagmamahal sa ating kapwa.
Malaki na ang ipinagbago ng ating kalagayan mula sa ating dinatnan.
Hindi kaya’t mas bibilis pa ang ating pag-unlad kung ang kapakanan ng ating kapwa ang uunahin bago ang sarili?
Sama-sama nating abutin ang ating mithiin, kung saan ang nagmamalasakit at minalasakitan ay parehong nagagalak ngayon o pagkalipas man ng Pasko.
Nawa’y maging masaya at makabuluhan ang inyong mga Pasko sa piling ng inyong mga mahal sa buhay.
Muli, maligayang Pasko po sa inyong lahat.

No comments:

Post a Comment