Transcript of Kapihan sa Senado
First part
First part
Can you give us a run through of what's going to happen come May 9 on the trial?
Come May 9, ang session ng Senado magsisimula ng alas-diyes ng umaga hanggang mga alas-dose o alas-dos ng hapon. Alas-dos ng hapon, for the first time magco-convene ang Senado bilang Impeachment Court. Alalahanin natin, Senado pa rin 'yan, pero gumagalaw bilang isang Impeachment Court. Ang kauna-unahang gagawin, susumpa kami bilang miyembro ng Impeachment Court dahil ibang trabaho ito sa legislation na ordinaryong trabaho ng isang Senador at ng Senado. Magsusuot yata kami ng robe sa araw na 'yun. Pero 'nung araw lang na 'yun at hindi sa mga susunod na araw pa.
Do we take it that the articles of impeachment have been sent to the Ombudsman?
It has been received already by the Senate, officially transmitted to the Senate, but until such time that our rules shall have been published, and fifteen days have lapsed after its publication, doon pa lamang magiging final 'yung rules. Meaning, official na 'yun at applicable na. Under the rules, bibigyan ng kopya ang respondent sa kasong ito, si Ombudsman Gutierrez, para siya ay mag-hain ng sagot sa loob ng limang araw, kung hindi ako nagkakamali. Matapos noon, pwede magsubmit ng reply 'yung mga taga-usig o prosecutors, at pwede magsubmit ng rejoinder ang Ombudsman kung kanyang nanaisin para ika nga, mag-join 'yung issues, at magsimula na ang paglilitis at trial.
All this is going to happen before May 9?
It depends on the Senate President because under our rules, the Senate President can issue processes. This can include the issuance of summons to the Ombudsman herself. Pwedeng gawin 'yan ni Senate President Enrile during recess, o pwede niyang gawin once nagconvene na rin 'yung Impeachment Court dahil may kaunting technicality. Hindi pa rin sumusumpa si Senate President Enrile bilang miyembro ng Impeachment Court na magbigay sa kanya ng kapangyarihan na (inaudible) ang mga process na ito.
Si SP lang ba ang susumpa o lahat kayo as jurors?
Lahat kami pero kabilang din siya. Lahat kami susumpa as jurors kabilang ang Senate President. At 'yung kapangyarihan niya, marahil mag-aattach lang 'yun pagkatapos niyang sumumpa bilang isa ring juror, at dagdag doon, presiding officer.
Susumpa before who?
Ang kasunduan 'yata namin, sa pinaka-batang Senador matapos sumumpa lahat naming Senador sa kanya. Si Senator Trillanes. Hindi youngest looking. Sana si Bong Revilla?
The impression is come May 9, wala ng seremonya?
Baka hindi pa, gaya ng sinabi ko. Baka doon pa lang mag-iissue ng order ang Senate President na padalhan ng kopya, at may limang araw para sumagot so siguro after one week pa actual na magsisimula 'yung paglilitis na sisimulan ng opening statement mula sa magkabilang panig, tapos dudugtungan 'yan ng actual na presentasyon ng ebidensiya sa panig ng prosecution.
Most of us here have ideas of how jurors are going to answer this question--is your vote going to be influenced by party lines?
I think it is unfair to assume na boboto ang mga Senador base sa party lines. Ako personally, tutol ako at hindi sang-ayon na bumoto ang mga Senador bilang juror base sa party lines. Bakit? Ginawa sa amin ito nung nagdaang Kongreso, nung ako ay nasa House of Representatives pa lamang. Nung ako ay nag-susulong o isa sa nagsu-sulong ng impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo, nakumbinse namin, wala namang masagot 'yung mga Kongresistang sumuporta sa impeachment. Pero sa dulo, hindi pa rin bumoto at ang ginamit na rason ay may party position daw sila. Naniniwala ako na dapat individual na konsiyensiya at determinasyon ng kada miyembro ang dapat na pagbasihan nito. Ngayon, may mga magtatanong, dapat ba naka-base lang 'yan sa ebidensiya, o nakabase lang 'yan sa public opinion na nagsasabing ang mayorya, gusto ito? May rason kung bakit puro pulitiko ang involved sa impeachment process. Pag sinabi kong pulitiko, puro halal ng bayan. Ang mga Kongresista ay halal ng bayan, kami ay halal ng bayan. Obligasyon namin bilang kinatawan nila, dalhin at ihatid ang boses at boto nila dito. Dahil kung tutuusin natin at ating susuriin, sa isang representative democracy, hindi ang mga Congressman at Senador ang may-ari ng kanila at aming mga boto. Ang may-ari ay kayo, ang sambayanan. At bahagi ng trabaho namin ang paghatid at pagdala ng boses na 'yun dito sa Senado. May part din na i-exercise namin ang sarili naming discretion. At kung sakali, huhusgahan kami sa desisyon na 'yan sa darating na halalaan, para doon sa amin na muling haharap sa halalan sa darating na panahon.
Sir, it is a political exercise as they say but it also has a character of a court and of the 23 sitting senators, you only have 10 lawyers?
It has a character of a court but only with one aspect and respect only, due process. Obligasyon namin, duty namin, abogado man o hindi. Bilang isang institution, political process man ito, na bigyang due process ang sino mang haharap sa hukuman na ito. Due process para sa prosecution, due process lalong lalo na para sa akusado or respondent dahil ito ang nag re-require ng sanlalawigang batas sa lahat ng proceedings na isinagawa sa atin, na judicial or quasi-judicial in nature. Impeachment lang ang tanging korte na hindi pwede umapila ang decision. Once nag botohan na ang mga senador, once nag acquit or convict, hindi ito pwedeng iapila sa Korteng Supreme. Hindi rin pwedeng mag motion for reconsideration, wala rin appeal para ibotohan ulit. Minsan botohan lang ito tapos tapos na at walang pwedeng takbuhan forum or korte ang sinumang sa palagay niya ay agrabiyado sa decision ng Senado.
Halimbawa, nag decision na 2/3s, right away the Ombudsman
That decision is immediately executory to my mind and final at hindi na kailangang mag hintay pa ng publication or 15-day notice, ng 5-day or 10-day or 15-day period to appeal or seek a motion for reconsideration. Wala na pong ganyan. Once natapos na ang botohan an fi-nile na, 'yun nay un.
With only 10 lawyers, hindi kaya, Sir, magkalat kayo in the questioning?
Hindi naman kasi lahat naman ay experienced in questioning sa mga committee ng Senado at halos wala naman pinakaiba 'yon. Mayroon naman mga abogado mag kabilang panig na maaaring maghain ng kanilang tutol o pag-alala sa kanilang kliyente bago magsasagot, kaugnay ng anumang itatanong o ibabato ng isang member ng Senado.
Nakalagay na 'yun doon na hiwalay ang botohan kada article of impeachment. Hindi tulad ng ginawa ng House of Representatives, nilista 'yung anim, tapos minsan lang sila nagbotohan para sa anim. Nasa Rules namin, each article will be voted upon separately. Tapusin ang isa, botohan agad dahil kung conviction ng isa't-isa, huwag na lang ituloy. Sa akin pwedeng pagpasyahan na 'yun ng Senado sa plenary as a court at hindi na kailangan ilagay 'yun sa Rules. Pangalawa, may ebidensyang ipi-prisenta para sa isa siguro konektado rin sa pangalawa. Pangatlo, baka makita ito ng bias or direction or pag kiling kaugnay sa botong pinakita ng ang isang senador kaugnay sa isang article of impeachment. Tututol ako sa Rules kung 'yan laman ang aamyendahan dahil kailangan na naman ipublish 'yung amendment na 'yun bago kami mag reconvene. So ibig sabihin pag resume naming, aamiyendahan, ipupublish na naman, maghihintay na naman kami ng 15-araw bago kami mapagsimula. Alalahanin lang natin na ayon sa President's tradition at practice, hindi na co-convene ang impeachment court habang naka recess ang Kongreso, dahil ito ay isang trabaho lamang nag Senado at isang trabajo lang ng House of Representatives. Kapag hindi nase-session ang House at ang Senate, hindi rin pwedeng magkaroon ng ibang function ang Senado at plenaryo kaugnay na pagdinig nito.
You have six articles, Sir, do you think you can finish it in five weeks of sessions?
I think we will find that out from both sides. Ilan ba testigo ang balak ipresenta ang prosecution? Hindi pa namin alam 'yan. Ilang testigo ba ang balak ipresenta ng respondent? Hindi pa rin namin alam iyan.
So you have to finish the trial before you go sine die?
Not necessarily, kung hindi pa talaga tapos, ano naman gagawin naming? Basta magpapatuloy yan 4 days a week, mas marami pa kaysa ordinaryong session ng Senado, mas mahaba pa sa session ng Senado matapos namin mag resume sa May 9, hanggang matapos maliban kung may recess.
Example, Sine Die na and walang pang masyadong accomplishment sa trial?
Suspend, hanggang mag resume kami pag mag resume 'yung Kongreso.
No comments:
Post a Comment