Senator Jinggoy Estrada's GMANews TV Interview on Impeachment trial and right against

A press release by the Senate of the Philippines

Handa na ba kayong tumayo bilang senator-judge sa impeachment trial?
Senator Jinggoy Ejercito Estrada: Handa na kami. Actually bukas ay ipapapsa na namin ang rules of procedure sa impeachment trial. Sa May 9 nga ang siguro unang araw ng paglilitis.
Diretsong tanong po Senator Estrada, kayo ba ay made up na ang inyong mind o ang inyong conviction about Ombudsman Gutierrez?
SJEE: Hindi pa. Siyempre ang aking magiging desisyon sa finale ay ibababse ko sa lahat ng ebidensya na ipe-presenta ng prosecution panel at ng defense panel.
You will give her the benefit of the doubt?
SJEE: Yes.
Philippine Senator Jinggoy Ejercito EstradaImage via WikipediaPaano po yan kasi bago nito sinabi ni Senate President Enrile na pinapa-inhibit niya ang mga miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee dahil may bias na daw against Gutierrez? At miyembro po kayo ng komiteng yan.
SJEE: I never ever uttered a word tungkol doon sa impeachment trial. Hindi ako nagbigkas ng kahit isa mang salita tungkol sa kahihinatnan o kalalabasan ng trial. I never said that I was for the impeachment, or against the impeachment against Ombudsman Gutierrez.
How about on Gutierrez herself? May nabanggit na po kayo sa kanya?
SJEE: Wala. Wala akong nababanggit.
Senator, how does it feel na dati ang inyong ama ay siya po ang nasa other end nitong impeachment trial? And now parang nasa kabila naman kayo dahil uupo kayong senator-judge?
SJEE: Para sa akin, this is a different scenario. Magkaiba ito dahil right now the President is not on trial. Hindi katulad noong araw, the President is on trial. Ngayon, it's the Ombudsman. So, all I have to do is act as a judge. Siguro kailangang magbasa ng rules of evidence o rules of court para at least mahasa naman ang ating nalalaman sa batas.
Nag-attend po ba kayo ng caucus kanina tsaka kahapon on rule? Agree po kayo na dapat mayroong gag order?
SJEE: Oo. Yung sa gag order na sina-suggest ni Sen. Miriam, medyo marami ang hindi naman sumasang-ayon, mayroong mga reservations ang ibang mga senador sapagkat ang nakalagay sa mga recommendations ni Sen Miriam, dapat habang nasa hearing hindi pwedeng mag-telepono, hindi pwedeng mag-facebook, mag-tweet, mag-computer o mag-text,o magpa-interview sa media. Kung saka-sakali ang isang senador ay nagtanong halimbawa sa prosecutor o sa defense tapos ang tanong na iyon ay hindi nagustuhan ng taumbayan, siyempre iki-criticize siya ng taumbayan, ibig sabihin ang senador kailangan tahimik lang, hindi dapat sumagot. Kailangan sumagot din ang senador sa lahat ng magiging akusasyon laban sa kanya.
Mayroon po ba kayong twitter account?
SJEE: Wala akong twitter account.
Wala po kayong problemang ganyan? Pero nagte-text kayo, I'm sure.
SJEE: Yes.
Senator, mapunta naman po tayo sa Senate Blue Ribbon Commitee hearing, sa AFP scandal. Anong pakiramdam niyo noong puro right against self-incrimination ang ini-invoke ni Mrs Ligot?
SJEE: Actually, very disappointed and very frustrated. It was very frustrating of us to always hear the answers of Mrs Ligot and Gen Ligot. Lahat, kahit mga tanong na hindi kasama sa kaso ay in-invoke nila ang right against self-incrimination. Mayroong mga proper invocation ng right against self-incrimination at mayroon ding improper invocation ng right against self-incrimination. Halimbawa, yung proper invocation, tinanong ko, "Sa iyo ba ang bahay na ito sa California, yung dalawang pinurchase?" Pwede niyang i-invoke ang right against self-incrimination sapagkat ang dalawang bahay na ipinakita ko, kasama yan sa forfeiture case laban sa kanila. So pwede niya i-invoke yun. Pero pag nagtanong ako, "Sino ba ang nagbayad ng pamasahe papunta sa Amerika, halimbawa?" Doon, she has no right to invoke the right against self-incrimination. That is an improper invocation.
Pero mayroon pong mga abogado kaming nakausap, Sen. Estrada, na nagsasabi rin na tama lang na i-invoke ng isang nasasakdal o isang akusado o isang nahaharap sa mga kaso ang kanyang right against self-incrimination.
SJEE: That is the right under the Constitution. I agree. But all in proper invocation. Pinagbibigyan naman namin. Yung mga tanong ko na hindi naman kasali sa kaso, pinagbibigyan na nga namin; lagi niya ini-invoke. Pati yung tanong ko sa kanya, "Ikaw ba nagpapaalam ka kay mister kapag umaalis ka?" Kasi sabi ni Gen Ligot, hindi niya alam kung nasaan ang asawa niya, kung nasa Amerika o kung nasa ibang bansa. Yung lang, I don't think that is a proper invocation.
Pero saan po ba papunta ito? Kasi marami nga pong nakakalkal, mukhang marami kayong naimbestigahan na mga ebidensya na mga bahay po yata sa Amerika, parang ang opisina niyo po o kayo mismo ang naglabas noon, etc. Ang tanong po ng mga abogado lalo na, saan ba kasi papunta yan, puro RASI nga o right against self-incrimination ang ini-invoke? Bakit daw hindi niyo na lang dalhin sa husgado o sa Department of Justice, pwede niyo bang i-share ang inyong mga ebidensya para at least doon something concrete can come out of this whole exercise?
SJEE: Basta kami sa Senado, wala kaming prosecutorial powers. We can only do so much. We can investigate in aid of legislation. Pag natapos na yan, gagawa kami ng batas. Halimbawa sa budget ng AFP, gagawa kami ng batas para ma-improve ang budget cycle ng AFP. But the DOJ, or even the Ombudsman can gather all our documents or pieces of evidence para magamit naman nila to prosecute these people involved.
Mayroon po kayong motion kahapon na i-cite for contempt si Mrs Ligot. Ano na po ang nangyari doon? Pati si gen Ligot. Pati po ba si Gen Garcia?
SJEE: Si Gen Garcia, walang nag-file ng formal motion.
Ano na pong nangyari doon? Alam ko, pinag-usapan ninyo sa caucus.
SJEE: Kanina pinag-usapan namin ang we have agreed, nagkaisa kami na marami ngang mga tanong galing sa committee, lalong-lalo na po yung sa akin at kay Sen Drilon na maraming improper invocation. Ibig sabihin noon, marami siyang ginamit niya yung right against self incrimination na hindi naman dapat, kaya improper. So pinagkaisahan namin na sa susunod na hearing, sa darating na Huwebes, uulitin ko lahat ng mga tinanong ko sa kanya. At kapag in-invoke pa niya ang right against self-incrimination, we gave blanket authority to the chairman of the Blue Ribbon Committee si Sen Guingona, and if I move to cite them for contempt, he can order their arrest.
So posibleng makulong?
SJEE: Yes. Ngayon kung iniba niya ang mga sagot niya, kung hindi niya in-invoke ang kanyang right against self-incrimination sa mga tanong ko na dapat niyang sagutin, ibang istorya na yun.
Paano po kung mag-breakdown uli siya?
SJEE: Well, depende yan sa mga medical doctors ng Senado.
Senator, mayroon naman po na nakaka-observe naman na mula po noong nangyari pong yung Gen Reyes, parang naging kinder daw ang pagtatanong ng mga Senador, accurate po ba yun?
SJEE: Kind naman lagi kami.
Ok, maraming salamat. Hanggang dito na lamang po.
SJEE: Pero binibigyan namin ng option si Mrs Ligot kung saka-sakaling ganoon pa rin ang sagot niya, she can be confined in a hospital because of her present situation.
Nakalimutan ko po palang tanungin kasi wala pa rin si Sen Lacson. Does that matter?
SJEE: It doesn't matter.
16 votes needed.
SJEE: You're talking about the impeachment? Basta, we are 23, 16 pa rin kasama si Sen Lacson. Even if Sen Lacson will not be around, 16 pa rin ang kailangan.
Maraming salamat Sen. Estrada.
SJEE: Thank you.

No comments:

Post a Comment