Image via WikipediaStatement of His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
On the Earthquake in Japan and the possible tsunami to hit coastal areas of the Philippines
[Delivered in Singapore on March 11, 2011]
[Please check against delivery]
Nakikita po natin ang mge epekto ng nangyaring lindol sa Hilaga-Silangang bahagi ng Japan, at mulat po tayo sa peligrong maaaring idulot nito sa mga baybayin ng ating bansa.
Hinihiling po natin ang hinahon mula sa ating mga kababayan. Gawin natin nang organisado ang ating mga kilos, at makipag-ugnayan at tulungan po tayo sa ating mga awtoridad. Paghandaan na po natin ang anumang pinsala na maaaring idulot ng isang tsunami sa ating pong mga komunidad.
Nakausap ko na po ang mga Kalihim ng ating mga ahensya tulad ng DND, DILG, DOST, Executive Secretary, at iba pa. Inatasan ko na po silang ibahagi sa publiko ang anumang impormasyon na makakalap nila. Kasalukuyan po silang nagpupulong upang pag-usapan ang mga hakbang na gagawin pa natin. Seryosohin po sana natin ang kanilang mga babala at alituntunin.
Ang NDRRMC na po ang magbibigay ng mga detalye ng hakbang na ginagawa na ng inyong gobyerno.
Makauuwi na po kami sa loob ng ilang oras. Hari nawa po ay maiwasan natin ang pinsala.
Home
/
Asia
/
Benigno Aquino III
/
Earthquake
/
Japan
/
PNoy Statement
/
Singapore
/
Tsunami
/
Statement of President Aquino on the Earthquake in Japan and the possible tsunami to hit the Philippines
Statement of President Aquino on the Earthquake in Japan and the possible tsunami to hit the Philippines
Related Posts:
Tsunami
Phlnews
Asia,
Benigno Aquino III,
Earthquake,
Japan,
PNoy Statement,
Singapore,
Tsunami
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment