Speech
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
During the launching of the Electric Tricycle
[Delivered at Mandaluyong City Hall on April 13, 2011]
Sabi po nila, ‘yung survey ko, bumababa na raw ‘yung nagaaprove sa akin. [Laughter] Mukang dumadami ho dito sa Mandaluyong. Siguro hindi nasurvey and Mandaluyong. [Applause]
Baka magalit ho sa akin iyong nanulat ng aking talumpati kung ‘di ko gagamitin, kaya pagpasensiyahan na ninyo. Po-pormal muna tayong konti, babalikan ko nalang ang mensahe ko sa inyo. [Laughter]
Nakalulungkot isipin na patuloy pa rin ang pag-angkat natin ng langis. Kaya naman tuwing may krisis, katulad ng nagaganap na kaguluhan sa Gitnang Silangan, para na rin tayong tinamaan ng bala sa tindi ng dagok ng biglaang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Isipin po natin: Umakyat na sa halos 109 na dolyar kada bariles ng langis kahapon ang bentahan sa pandaigdigang merkado, kumpara sa halos 83 dolyar kada bariles ng langis noong Abril ng nakaraang taon. Ito ang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng langis na inaangkat natin.
Upang pansamantalang maibsan ang hirap na dulot nito sa karaniwang mamamayan, inilunsad natin ang Executive Order No. 32, ang Pantawid Pasada o Public Transport Assistance Program. Sinisikap nitong magbigay ng pansamantalang tulong sa mga namamasada na lumiliit na ang kita, sa mga sumasakay ng pampublikong transportasyon, at sa mga nakakaramdam ng pagtaas ng pamasahe.
Inuulit ko po, pansamantala lamang ang hakbang na ito sapagkat nagpupursigi tayong maghanap ng ibang solusyon upang sa lalong madaling panahon, wala nang maaabala at wala nang labis na maghihikahos sa magaganap pang pagtaas ng presyo ng inaangkat nating langis.
The reality is, the more we rely on oil, whose price is beyond our control, the longer we remain unable to provide our people with an affordable supply of fuel needed on a daily basis. The only way we can insulate ourselves from external shocks such as high oil prices is to implement long-term solutions that ensure energy self-sufficiency and sustainability for us and for future generations of Filipinos.
I am happy to announce that we have found one such solution in the Electric Tricycle project, which falls under the Philippine Energy Efficiency Project of the Department of Energy, supported by the Asian Development Bank. This is our long-term solution to the recurring problem of high oil prices and our dependence on imported oil. At present, we have 3.5 million motorcycles and tricycles that emit close to 10 million tons of harmful gases and use more than 2 billion dollars worth of imported oil each year. By shifting from tricycles that run on expensive fuels to electric ones, we expect to reduce the overall pollution level and increase the income of tricycle drivers significantly at the same time. Each of them can now save approximately 200 pesos since the cost of electricity used by the e-Tricycle is cheaper compared to the usual cost of fuel.
Sa madaling salita, walang matatalo po sa proyektong ito. Hindi na maaapektuhan ang mga tricycle driver ng pabigla-biglang pagtaas ng presyo ng langis. May matitipid pa ang tricycle drivers, lalaki pa ngayon ang halaga ng kanilang tinatawag na take-home pay, na maaari nilang ipanggastos para sa mga pangangailangan nila sa kanilang tahanan. Hindi lang po yan, mababawasan na ang matinding polusyon na nakakaapekto sa atin pong kalusugan.
Hindi magtatapos sa dadalawampung electric tricycles na inilulunsad natin ngayon dito sa Mandaluyong ang programang ito. Umpisa lamang po ito. Mandaluyong po ang nauna. Ang balak natin ay magpagawa pa ng 20,000 electric tricycles. Magsisilbing hudyat ito sa pagbubukas ng mga makabagong lokal na industriya na magbibigay ng trabaho sa ating mga mamamayan. Manganganak ito ng marami pang mga negosyo.
Hindi naman po bago ang paggamit ng mga electric vehicles sa ating bansa. Sa katunayan, ginagawa na ito sa ibang mga lokal na pamahalaan tulad ng Makati na mayroon ng mga electric jeeps. Lubos po akong nasisiyahan sa hakbang na ito sapagkat walang ibang higit na makikinabang sa programang ito kundi ang sambayanang Pilipino.
Lahat po ng puwedeng solusyon sa krisis sa langis, inaaral na natin, at isinasagawa natin ang totoong mga long-term na solusyon, hindi mga panakip-butas na sasaktan lang din naman tayo sa kinabukasan. Baka naman po sa tagumpay ng proyektong ito, may marinig pa tayong bumabatikos, lalo na sa mga ginawa na yatang trabaho ang magreklamo nang wala namang hinahain na maayos na solusyon.
I dream of a day when our public utility vehicles will run on some alternative fuel. This electric tricycle project is a humble beginning toward that ambitious end. Going alternative, may it be electric, compressed natural gas (CNG), or hybrid, is a win-win situation for those who are experiencing the effects of high oil prices, those who want to do something about it and even those who are not old enough to understand the problem. It will benefit us all, but more than anything else, it benefits those who are most in need. I would like to thank, at this point, Secretary Almendras of the Department of Energy, Secretary De Jesus of the DOTC, Secretary Paje of the DENR, Mayor Benhur Abalos and other Local Chief Executives who are closely coordinating and working doubly hard to make this project a success.
We hope that before my term ends, that dream of powering our vehicles with electricity, or our other alternative fuels, will become a reality.
Tulong-tulong tayong harapin ang hamon na ito, at magkaisa tayong lahat upang mapagtagumpayan at maisakatuparan natin ang hangarin natin para sa mga tao at sa bayan.
Bago po ako magtatapos: Alam ho ninyo, nakaugalian ko na pong—tutal ayaw ilabas ang good news—ako ang maglalabas noong good news. Siguro magandang halimbawa po itong tricycle. Mayroon pong tinataya between 3.5—pero kung isasama raw po ‘yung habal-habal sa Mindanao—five million na ginagawang tricycle. Bawat tricycle po, nagko-contribute ng about 4 cubic meters per year ng polusyon. So imu-multiply natin doon sa five million na tricycle, eh ‘di 20 million, parang tons na raw ho lalabas, per year. Iyon pong ibinubuga natin sa hangin, tayo na raw ho iyong humihinga. Twenty million tons raw. Ngayon, sa buong mundo po, iyong normal na level ng tinatawag nilang total suspended particulates (TSP) sa hangin—iyong kalidad ng hangin—ay 90 micrograms per cubic meter (mgpcm). Kanina lang po ako briniefing [briefing] ni Secretary Paje, kaya ishi-share ko sa inyo ito: Noong June 2010, normal ang 90 (mgpcm), sa buong mundo po iyan. Noong June 2010, itinaya raw sa ating figure ay 166—halos doble ng noong normal number of particulates. (Iyong particulates iyong suspended in air, ‘yung parang buo na nilalanghap natin, maiiwan sa baga natin.) Noong December 2010, napababa ng 133. Nitong January, naging 131. Iyong pinakabago po nilang datos ng February, 120 na po—pero hindi naman ho dahil sa dadalawang tricycle na tumakbo ‘yun. Sa totoo lang po, marami tayong problemang minana, at iyon po ang gusto kong ibalita sa inyo. Ano ba ang ginagawa natin diyan? Marami hong sumisingaw—pollution, pollution, pollution. Pero saan nga ba napunta ang solusiyon para ibsan ang pagpapangit ng ating hinihingang hangin? Dito po, iyan ang sample; isa iyan sa talaga naman pong magiging solusiyon. Normally, ‘pag pumunta tayo sa alternative fuels, mas magastos. Ang mangyayari po, ‘yung gagamit nitong mamamasada: “bakit ako pupunta diyan, liliit ang kita ko?” Pero dito ho, makakatulong na tayo sa environmental protection, lalaki pa ang kita dahil mas mura kung kuryente ang gagamitin kaysa iyong krudo. Oh, ‘di win-win ang tawag po diyan.
Ngayon, mayroon pa akong idadagdag lang. Iyong sinasabi nating tamang pamamalakad: nagtulong po ang DENR at DOTC, at LTO po ang nauna. Ano po ang ginawa nila? Tinatawag na time and motion study. Tinignan po nila ‘yung smoke emission testing center. ‘Yung pinakamabilis na raw pong kumilos, ang kayang i-service na isang makina, 80 sasakyan araw-araw, para i-check—nagko-comply ka ba sa emission standards? Ang masakit po, may nagrereport po na 300 hanggang 600 ang sine-service nilang sasakyan kada araw. Ngayon ho, noong talagang binantayan na nila, on average, ‘yung pinakamatulin, 80. Pero may nagrereport, 600. Bakit? Paano nangyari iyon? Sobrang galing naman ng mga pahinante nito, iyong mga trabahador nito. Eh ang totoo po noon, hindi na ho dumadating iyong sasakyan doon—so, iyong pag-ballpen lang, iyong tinatawag na nonappearance. Puwede ba iyon? Magchecheck nga kung nagpo-pollute, eh nonappearance. So pinasara po nila ‘yung mga nambobola sa publiko na gumagawa ng krimen na ito. Tapos ayun na po, may epekto na. Mula 166, nasa 120 na tayo ngayon.
So, marami hong problema. May problemang sa atin lang; may problemang damay tayo—iyong nangyayari sa Middle East, iyong nangyayari sa Japan. [Coughs] May problema ako sa kalidad ng hangin. [Laughter] Pero ang maipapangako ko sa inyo, hindi po tayo titigil, na iyong dinatnan nating lahat ay pipilitin nating baguhin nang baguhin, lalo na ho iyong mga maling kinahisgan na.
Hindi ko ho masasabi sa inyong susunod na taon wala na tayong problema. Hindi ho; mambobola lang ako noon. Pero ang puwede kong ipangako sa inyo, hindi niyo masasabing hindi namin inaksiyonan ang problemang dinatnan natin, para naman po pagdating ng 2016 ako po ay retirado na. June 30, noon. Limang taon at dalawang buwan nalang po iyon. Pagdating po ng panahong iyon, sabay-sabay tayong lilingon, at sa ginanda ng Pilipinas, masasabi nating tayo ang nagtulungan para mangyari niyan
Magandang hapon po. Maraming salamat sa inyo.
No comments:
Post a Comment