President Aquino Speech at the National Convention of the Prosecutor’s League of the Philippines


Speech
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
During the 23rd National Convention of the Prosecutor’s League of the Philippines
Mr. Noynoy Aquino[Delivered at KCC Mall, General Santos City, on April 14, 2011]
Sana po, kaninang umaga noong nag-a-almusal kayo, hindi po death threat ang inyong almusal. Alam niyo po, itong trabaho ninyong pagiging prosecutor, akala siguro ng iba, madali lang. Pero para sa isang taong pamilyar sa proseso ng batas, alam kong kaliwa’t kanan ang pagdikdik at pagsakal sa inyo ng mga pino-prosecute ninyo. Napakadaling bumigay sa kabi-kabilang tukso at sa pressure ng pagiging isang abogado, at mas lalo pa bilang mga prosecutor. Sa puntong ito ng mga propesyon ninyo, marahil napagtanto na ninyong ang pagbabagong inakala nating kaydaling makamit ay napaka-ilap pala.
Bawat isa po sa atin ay nabigyan ng kakayahan para baguhin ang mundo. May kaniya-kaniya po tayong pagkakataon—minsan, maging isang guro na magturo sa liblib na pamayanan; minsan, isang sundalong kailangang rumesponde kapag may sakuna. At minsan, ang maging isang prosecutor na madalas matambakan ng papeles sa mesa. Sa bawat pagkakataon na ito, ang inaasahan po sa atin ng taumbayang ating pinagsisilbihan ay ang manindigan at gawin ang tama. Ang tanging pakiusap lang naman nila ay pagbutihin natin, sa abot ng ating makakaya, ang ating tungkulin upang makamit ang tunay na hustisya.
Noong kumukuha kayo ng abogasya, marahil ay punong-puno kayo ng ideyalismo. Noong nanumpa kayo bilang abogado, walang-kinikilingang hustisya, katapatan sa bansa at katarungan sa kapwa-tao ang ipinangako ninyong ipatutupad. Bilang mga prosecutor, alam kong mulat kayo sa kakayahan ninyong mag-ambag para sa pagbabago. Patunay dito ang tumataas na conviction rate sa mga naisasampang kaso. Ang minana po nating dating 14 na porsyento lang noong Hulyo, agad nating napaangat sa pangunguna ni [Justice] Secretary De Lima sa 25 porsyento na sa loob lamang ng halos sampung buwan. Sagisag ito na ramdam ninyong mga prosecutor na seryoso tayo sa mga repormang ating itinutulak, at handa kayong sumabay sa pagpupursigi nating lumaganap ang hustisya at katotohanan. Alam kong marami sa inyo ang sumusunod sa inyong sinumpaang tungkulin, at nagpapasalamat po ako nang taos-puso dito. Huwag sana ninyong tularan ang iba na agad nababaligtad ang paninindigan oras na lapagan sila ng sako-sakong pera.
I have the mandate of the people because they placed their trust in me in the last election, but all of you should remember that this mandate extends to all of you as well. It is your responsibility, as much as it is mine, to do what the Filipino people expect of all of us. This is the bottom line of everything we are working for: that we do not misplace their trust.
This is why, as we go about fixing what needs to be fixed, our administration is making it a point to allow you to do your jobs to the fullest of your capacities. Hindi po kayo pinababayaan ng inyong gobyerno. In fact, we have increased the Department of Justice’s allotment for prosecution services by more than 260 million pesos in the General Appropriations Act of 2011.
We are also concerned about the dangers you face, especially when taking on high-profile cases. Your work is an important part of our anti-corruption campaign, and we cannot allow mere intimidation to stop us from doing our jobs. This is why, last February, the European Union-Philippine Justice Support Programme, together with the Department of Justice, conducted a Security Orientation, which was attended by fifty prosecutors from Region I, and we are hoping to conduct more of them in the coming months. Likewise, the DOJ, the PNP, and the PLP have signed a Memorandum of Agreement that will prioritize the firearms license applications of our prosecutors. And, may I add, since I am now the foremost prosecutor, if you need a so-so instructor, I am also willing to volunteer. Of course I can defer to my senior also in public service, Apo Rudy Fariñas, to be a better instructor. [Laughter]
We also realized that we need to take better care of our witnesses, as they are exposed to similar dangers. We have increased the budget of the Witness Protection Program by almost 80 percent, from around 84 million to 151 million pesos. This will allow us to protect a total of 640 witnesses and whistleblowers. We have likewise prioritized two bills in the 11th LEDAC that pertain to whistleblowers and witnesses: acts that will improve their protection and their benefits.
These projects and initiatives are meant to show you that the government considers your role integral in our reform agenda. From July 2010 to March 2011, the National Prosecution Service and the DOJ have reached 22 convictions in trafficking-in-person cases involving 23 traffickers. I hope that this good track record stays in the coming years. And because of that, we have been removed from the Tier 2 watchlist by the US government. We are now in the Tier 2 list. Thank you once again.
You have performed well in the past year with limited resources, and now that we have added resources, we hope that you can perform even better.
Alam naman po ninyong pinipilit nating linisin ang hanay ng mga prosecutor. Sabay nito, nananatiling bukas ang isipan ng pambansang gobyerno sa mga hinaing ng mga tapat nating prosecutor. Patuloy kaming kakayod upang mas magampanan pa ninyo nang maayos ang inyong mga trabaho—ang makamit ang hustisya nang walang kargang takot at pag-aalala sa seguridad ng bawat isa sa inyo.
Ito pong mga pagbabagong nasimulan na nating masilayan sa mga nagdaang buwan ay hindi resulta ng black magic o ng abra kadabra. Ginawa lamang po natin ang tama. Tinanggap natin ang mandato ng taumbayan, at isinumpa nating hindi na nila kakailanganing kumapit pa sa patalim at umasa sa katiwalian upang umunlad. Nandito tayo upang maipanumbalik ang Pilipinas sa isang kalagayan, kung saan ang paggawa ng nararapat ay hindi balakid, kundi susi sa kaunlaran.
Upang maisakatuparan ito, kailangan namin ang tulong ninyo, kayong mga nagsunog ng kilay, at nag-alay ng di-mabilang na oras ng inyong buhay sa batas. Ang batas na siyang timbangan ng lipunan kung ano ang tama at ang mali. Alam kong alam ninyo ang inyong mga trabaho, wala nang mas makakakilala dito kundi kayo, at may matibay na kakayahan kayong maisakatuparan ang inyo pong mga responsibilidad.
Sa pakikiisa ninyo, at sa tulong ng nakakaraming Pilipino, kaya nating tugisin, ihabla, at maihain sa hapag ng hustisya ang mga salot ng lipunan, lalo na ang mga nagnanais maibalik ang kadilimang dulot ng katiwalian. Tiwala akong sa gabay ng liwanag na dulot ng katotohanan, makakausad tayo tungo sa mas maunlad na Pilipinas.
Daghang salamat sa pag-giya sa atong katawhan pangadto sa tul-id nga dalan sa kabag-ohan.
Thank you po.

No comments:

Post a Comment