President Aquino Speech in commemoration of Araw ng Kagitingan


Speech
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
In commemoration of Araw ng Kagitingan, 2011
[Delivered at Mt. Samat Shrine, Pilar, Bataan on April 9, 2011]
Tuwing ika-tatlumpu ng Disyembre, ipinagdiriwang po natin ang Rizal Day upang sariwain ang kontribusyon ni Rizal sa kalayaang tinatamasa natin ngayon. Ika-tatlumpu naman ng Nobyembre natin ginugunita ang buhay ni Andres Bonifacio. Samu’t sari rin po ang mga paaralan, kalsada, at lungsod na ipinangalan sa napakarami pang ibang bayani: Silang, Aguinaldo, Malvar, at marami pang iba.
Sila po ang mga bayaning nag-ukit ng kontribusyon sa kasaysayan, gamit ang kanilang dugo. Ngunit sa bawat isang bayaning ipinagdiriwang at ginugunita natin, ilang libo kaya ang nagbuwis ng buhay ngunit hindi na natin makilala, dahil natulak na sa madidilim na sulok ng kasaysayan ang kanilang pangalan?
There are the named, and there are the nameless. Today we gather to pay tribute to our unsung heroes.
Hindi po natin maaabot ang demokrasyang tinatamasa natin ngayon kung hindi nanindigan ang iba pang magigiting nating kababayan na sumuong sa digmaan: sila na hinarap ang mga kanyon at baril ng mga mananakop, sila na nagtiis sa pagmartsa ng humigit-kumulang isandaang kilometro matapos bumagsak ang Bataan, sila na ang tanging layunin ay ang makamit ang kalayaan para sa bayan.
I know that you, our veterans, may have lost some battles during those times, but your courage and love for country became instruments in winning a larger war—a war to awaken the Filipino heart, which allowed us to achieve independence. Along with our commemoration of the Araw ng Kagitingan, we are also celebrating the Philippine Veterans Week to show our appreciation to each and every one of you who have sacrificed so much for the liberty of our nation.
Three generations after the war, we are still trying our best to show our gratitude by taking care of our veterans and their families. More than seven decades after, we still remember your sacrifices, because your heroism stands the test of time, and for that, we remain eternally indebted to all of you.
Hindi po tamang ipagdamot natin sa ating mga beterano at sa kanilang pamilya, ang mga serbisyong dapat lang naman ay kanilang matanggap. Nandiyan na po ang mga benepisyo tulad ng pangangalaga sa inyong kalusugan. Ngayong 2011, lalo pang pinaigting ng Veterans Memorial Medical Center ang kanilang mga operasyon sa pamamagitan ng dagdag na mga kagamitan at pagsasaayos ng kanilang Operating Room at Medical Intensive Care Unit. Pinagtibay na rin po ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ang pagkakaroon ng karagdagang mga ospital sa buong bansa kung saan ang mga beterano at ang kanilang pamilya ay makakatanggap ng walong daang pisong subsidy sa bawat araw ng pananatili sa pagamutan.
Dagdag pa po sa mga programang ito para sa inyong kalusugan at kapakanan ang pagpapatibay sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of National Defense – PVAO at PhilHealth. Magkakaloob po ito ng health insurance sa mga kwalipikadong beterano. Pinabibilis na po ng PhilHealth ang proseso ng pagpapatala sa mga nararapat na benepisyaryo, sa tulong ng DND na naglaan ng isang milyong pisong pondo para po dito.
Binabantayan po nating maigi ang implementasyon ng Philippine Veterans Equity Compensation Act na nilagdaan ni President Barack Obama noong 2009. Ginagarantiya ng batas na ito na mabigyan kayo ng kabuuang kompensasyon, na umaabot sa siyam na libong dolyar para sa mga non-US citizens at labinlimang libong dolyar para sa mga US citizens. Sa pagtatapos nga po ng Disyembre ng nakaraang taon, halos labingwalong libong beterano na ang nakatanggap ng kabayarang ito.
Nito rin pong Pebrero, may nabalitaan tayo tungkol sa mga diumano’y “Ghost Veterans” o “Ghost Pensioners.” Mayroon daw mga beteranong lumaban noong Philippine-Spanish War, na sumakabilang-buhay na ngunit nakakatanggap pa rin ng pension payments.
Talagang napailing po tayo noong una natin itong marinig, ngunit hindi na tayo nagpatumpik-tumpik sa pagtugon ng problemang ito. Agad po natin itong pina-imbestigahan sa DND. Sa kanilang pagsisiyasat, natuklasan nila na ang sistema pala sa pagbibigay ng pensyon ng PVAO ang siyang nagkaroon ng butas. Bagaman marami na pong pumanaw sa mga beterano natin, nanatili pa rin ang bilang ng mga inaabutan natin ng tulong-pinansyal. Ito na nga ang dahilan kung bakit sila naturingang “ghost pensioners.”
Upang masiguro pong aabot lamang ang pensyon, benepisyo, at iba pang pribilehiyo sa mga lehitimong beterano, nagsagawa na po ng isang malawakang kampanya ang PVAO upang malinis ang listahan ng mga inaabutan nila ng pensyon. Ilang mahahalagang hakbang ang kanilang isinagawa upang masiguro at mapangalagaan ang inyong pension system. Sa Direct Remittance Pension Servicing System, mas napapabilis ang pagbabayad at nasisiguro ang paghahatid ng pensyon. Sa sistema ding ito, natutukoy din ang mga hindi nakakapagbukas ng account sa bangko sa loob ng isang taon. Kapag hindi ito naisakatuparan ay ite-terminate na ang kanilang pensyon. Magmula noong ipinatupad ito noong 2008, nakatipid na tayo ng halos apat na bilyong piso. Gayundin, sa Revalidation Program at sa issuance ng PVAO Pensioner’s ID, mas lalo pa nating natukoy ang mga beteranong namatay na at hindi na nararapat makatanggap po ng kanilang pensyon.
Ang huling balita po natin mula sa DND, bahagi na lang ng kasaysayan itong isyu ng “ghost pensioners.” Naibalik at naisalba na ang mga nawalang pondo. Ginamit ang mga ito upang bayaran ang mga naipong utang na pensyon sa mga beterano sa loob ng pitong taon na umabot sa lampas apat na bilyong piso. Natulungan natin dito ang humigit-kumulang tatlumpung libong World War II veterans noong 2009. Sa paraang ito, nabawasan natin ang utang sa mga beterano nang halos limampung porsiyento.
Our generation has a lot to learn from our veterans. We would do well to emulate the spirit of service that they exhibited, especially now that we are facing new foes: corruption and poverty. Our triumph in this new battle is hinged on whether or not we can display the same bravery our heroes displayed back then. To all of our people: The strength of this country is in our hands. Let us learn to fulfill our collective responsibility. Let us show our veterans that their sacrifices have not gone to waste.
Of course, we would not be in the situation we are in today without some help from our friends outside the country, especially the United States and Japan. I know that three generations ago, the three of us were in conflict, but since then, our country has had no greater friends than the United States and Japan. Japan has been our partner toward economic progress, providing us the needed technology to cope with calamity, and the United States has shared with us a long history of cooperation and mutual defense. Time has proven that we can count on allies like them, and I am confident that they will stand by us should there be a threat again to our security and sovereignty, and that they support the path that we have taken toward transparency and progress.
Mahaba-haba pa po ang ating tatahakin. Marami pa po tayong mga panganib at suliraning lalampasan. Patuloy tayong makikipaglaban sa katiwalian at kahirapan. Makakaasa po kayo na magpapatuloy ang sinseridad ng ating pamahalaan sa pagtataguyod at paghahanap ng lunas sa sangkaterbang suliranin na ating dinatnan. Wala pong magbabago: Kayo pa rin ang Boss ko. Hiling ko lang po, manatili tayong nagtutulungan at nagdadamayan. Abot-tanaw na natin ang liwanag na gabay natin tungo sa katuparan ng ating mga mithiin.
Maraming salamat po sa inyong lahat, at mabuhay po kayo.
Related articles

No comments:

Post a Comment