On a Senate Resolution deferring the plan to increase LRT and MRT fares
Matagal ko nang sinasabing dapat huling option ang pag-increase ng MRT, LRT fares, una i-explore nila ang pagrenegotiate o reprivatize ng kontrata sa MRT at LRT, pangalawa dapat i-maximize nila yung income mula sa advertising, revenues na ngayon ay napakaliit lamang kumpara sa advertising revenue ng ibang rail sa ibang parte ng mundo at pangatlo lahat naman na riles ng tren sa buong mundo subsidized ng gobyerno. Hindi ko alam kugn bakit tayo pa na mahirap na bansa ang pipili ng zero subsidy ang ating MRT at LRT affairs.
Pipirma ba kayo sa resolusyon?
Babasahin ko muna pero malamang... (So you're supporting the resolution?) In principle oo pero babasahin ko muna yung resolusyon. I'm in support of the belief and principle that it should not be increased at this time at dapat last option yon, patunayan muna nila sa amin na na-maximize nila yung advertising, na-maximize na nila yung potential para irenegotiate yung kontrata o kung hindi man ireprivatize ito dahil kapagka tinaas mo na yan hindi na muna pedeng babaan pa yan.
Papakinggan ba yan ng Malacanang?
Hindi ko alam pero yan ay impresyon at persepyon ng mga kintawan ng sambayanan, sundin man o hindi tiyak ko maririnig.
Update sa Juvenile Justice Law
Nakikipag-usap kami sa ialng mga kasamahan sa senado kabilang si Sen. Pangilinan para sana magkaisa kami sa parehonh layunin naman naming lahat, una mapangalagaan ang karapatan ng mga bata, pangalawa maltiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng ating mga komunidad, pareho naming gusto yon nagkakaiba lang siguro kami sa pananaw o pamamaraan, nais naming pag-isahin yon para mas madalia ng pag-amyenda at pagsasaayos ng kasalukuyang sistema ng JJ Law.
No comments:
Post a Comment