Mensahe
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa sambayananng Pilipino
Sa panahon ng Kuwaresma, 2012
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa sambayananng Pilipino
Sa panahon ng Kuwaresma, 2012
[Inilabas noong ika-3 ng Abril 2012. Ini-record sa Rizal Ceremonial Hall, Malacañan Palace, noong ika-27 ng Marso 2012]
Kaisa po ako ng sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng pinaka-mahalagang linggo sa Kristiyanismo—ang paggunita sa dakilang sakripisyo ni Kristo nang tubusin niya mula sa kasalanan ang sangkatauhan.
Ipinapaalala ng Semana Santa ang wagas na pagmamahal sa atin ng Diyos, at patuloy na itinuturo sa atin ang landas tungo sa kaligtasan. Sa kaniyang pagsasakatawang-tao: nagsilbi siyang bukal ng pag-asa sa nakakarami, inilayo ang sarili sa tukso, at mag-isang pinasan ang kalbaryo kapalit man ay ang kaniyang buhay.
Sa kasaysayan ng ating bansa, marami na rin ang nag-alay ng pawis, dugo at sakripisyo upang maisalba ang bansa at mga Pilipino mula sa pagdurusang bunga ng katiwalian at kahirapan. Tungkulin natin ngayon na ipagpatuloy ang kanilang sinimulan upang ganap na nating maiwaksi ang baluktot na sistema.
Ngayong maliwanag na kakampi na ng taumbayan ang pamahalaan sa pagdudulot ng mga reporma, tinatapos na natin ang paghahari ng mga asal-Herodes sa katungkulan, at pinapanagot ang mga Hudas sa tiwala ng publiko.
Patibayin pa natin ang ating pananalig at ang pagtalima sa kalooban ng Poong Maykapal.
Tulad ni Kristo, nawa’y maging kaakibat ng ating mga panata at panalangin, ang pagtutok sa kapakanan ng mas nangangailangan. Mananatiling siya ang ating gabay sa pagharap sa mga pagsubok ng tinatahak nating tuwid na landas.
Samahan po ninyo ang ating administrasyon sa paghahatid ng liwanag ng pag-asa at mga biyaya sa bansa.
Isang ligtas at mapayapang mahal na araw sa atin pong lahat.
No comments:
Post a Comment