Talumpati ni Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa pagpupulong kasama ng kanyang mga tagasuporta at campaign volunteers sa Bacolod
[Inihayag sa Lungsod ng Bacolod, Negros Occidental, noong ika-4 ng Marso, 2011]
Maayong hapon sa inyong tanan. Talaga hong nagmamadali ako noong sinabi sa aking, “Pupunta ka ng Bacolod.” Alam ho niyo, simula noong naging presidente ho ako, parang, ‘di ba Chief Executive? Chief Executive ho, kung minsan hindi ako kasali sa decision making, lalo na ‘pag sa schedule. Iyong akin hong distrito sa Tarlac, in the eight months I visited twice. Nakiusap pa ho ako para makadalaw doon. Tapos sa Bacolod, sabi ko: Alam niyo, ‘yung Bacolod, talaga namang inalagaan tayo nang pagkadami-daming beses, panahon pa ng nanay ko. Sabi sa akin, “Relax ka lang.” At ngayon pa lang tayo nakabalik. Siguro ayaw nila ako masyadong nag-e-enjoy.
Kaya ho ikinalulugod ko pong maparito sa Lungsod ng Bacolod upang makasama kayong mga volunteers at personal kayong pasalamatan—‘yan po ang number one na pakay natin dito. Buong araw po, tayo po ay naglibot dito po sa kabi-kabilang mga pagtitipon. Aaminin ko po: Dahil sa enerhiya, sa lambing, at sa ngiti ninyong mga taga-Bacolod, imbes na mapagod, talaga naman pong lalo tayong ginaganahang magtrabaho. Sabi po ng mga kapatid ko kasi, I derive energy from you. Sa totoo lang po, itong umagang ito, ang unang bumati sa aking text message galing po sa ating Secretary of National Defense—at ‘pag National Defense ho ang una niyong text, napapag-isip kayo. Mga 6:30 po iyon e. Ang binalita po sa akin ay may lindol sa Surigao; over six ang on the scale ang intensity. So kaagad po pumasok sa isip ko ang New Zealand: 6.3. And so far po, I think we are still blessed by God; there are no reported casualties. So thank God for that. May mga araw ho kasi, paggising niyo, bad news kaagad. Napapag-isip kayo: Ano pa kaya ang mangyayari ngayong araw na ‘to? So there are days, honestly, that you start very early in the morning, you finish in the morning also, and somehow the meals are memories of those that you consume in days previously. But whenever I am with people like you, who are genuinely committed to creating change in our country, it seems a minor inconvenience, the things that we have to go through. Kaya again: Thank you po sa inyong lahat.
(And unfortunately I have to be formal at this point.)
Noong nakaraang eleksyon, kasama ko kayo sa kampanya natin upang makamit ang tunay na pagbabago. Umalingawngaw sa buong bansa ang sigaw ng Pilipinong supilin ang katiwalian. Hindi tayo nabigo. Salamat sa walang-sawa niyong suporta.
Ang kampanya nating ito ang naging patunay sa kakayahan ng taumbayan—hindi po ng pera at naglalakihang makinarya—na mapagtagumpayan ang isang malinis at epektibong kampanya. Pagod, pawis, at pagkukusa ang inyong itinaya. Mula sa paggawa ng mga pins at flyers, sa pakikilahok sa mga sorties, hanggang sa masusing pagbabantay sa bawat balota: ipinahayag ninyong kailangang maibalik ang integridad at kredibilidad ng pamahalaan.
Konting ad lib lang po dito, dahil kailangan ko talagang masabi ito: Noong kausap po ng aking mga kapatid ‘yung urban poor, parang may nagbigay hong pagkalaki-laking alkansya, at ang sabi raw ho, “Hindi na niyo kami kailangang magbigay ng pera. Kami mag-aambag ng pera sa inyo.” At sa totoo lang po, noong kaumpisa-umpisa ng oras na iyon—na ‘yung aking campaign machinery ho ay si Butch Abad, at si Butch Abad lang—talaga hong noong dumating ho iyan, sabi ko: Baka talagang panalo na yata tayo. Dahil naandiyan kayo ho.
Sa loob lamang po ng walong buwan, kitang-kita na ang ganda ng ating hinaharap. Marami pong good news na dumarating sa atin. Nitong Lunes lang po, naganap ang 111th Legislative-Executive Development Advisory Council. Tinalakay natin dito ang mga prayoridad ng atin pong administrasyon, gaya ng pagpapaunlad ng ekonomiya, ang pagsusulong sa mabuting pamamahala, at pag-aangat sa antas ng buhay ng mga Pilipino. Iyan nga po ang ilan sa mga tinututukan natin sa loob ng mga lima’t kalahating oras.
Pagdating sa edukasyon, isinusulong na natin ang ating education reform agenda. Itinaas natin sa mahigit 200 bilyong piso—ulitin ko po iyon: bilyong piso—ang budget sa edukasyon upang makapagpatayo ng mas maraming classrooms—mga 13,000 raw ho for this year—at dagdag na mga guro: At least mga 10,000 ang pagkaintindi ko. Kasama rin dito ang pagrerebisa sa basic education curriculum, o ang tinatawag nating Enhanced K + 12 Basic Education Program upang gawing anim na taon ang pagkuha ng high school. (Kaya lang ang tanda ko ho lima. Mukang nagkamali ho iyong nagtype, pasensya na ho.) Hindi lang po ito basta karagdagang mga taon sa mga estudyante, o pabigat sa kanilang mga magulang. Ang karagdagang karunungan na kanilang matututuhan ang siyang susi upang kahit pagkatapos ng high school, may kapasidad na silang makakuha ng disenteng trabaho. Sa kasalukuyan po, baka nakalimutan na natin: 100 students enter enter Grade 1, which is the start of the basic education program. By the time they graduate from college, there are only 14 of that 100 left. Fourteen percent lang ho ang nakakapasa. At marami hong dahilan. Part of it is health, part of ho, ‘yung masyadong pinapaspas iyong dapat matutunan. Tayo na ho—’di ba?—iyong one of the last three na 10-year programs. So iyong bata … para hong pag pinapakain, nilagyan ng embudo, tapos binuhos iyong saku-sakong pagkain—“bahala ka na kung paano mo ngunguyain iyan.” Paano naman ho lulusog ‘yung bata kung ganoon ‘yung systema?
Alam ko na ang dagdag na dalawang taon ay may dagdag rin din na gastos. Para sa mga pinakamahihirap nating mga kababayan, sasaluhin kayo ng pamahalaan sa dalawang taong ito sa pamamagitan ng atin pong Conditional Cash Transfers. Para naman sa mas may kaya, libre ang tuition, ngunit may karagdagang gastusin sa pabaon at pamasahe sa eskwela. Maliit na sakripisyo po ito kung ang kapalit naman ay mas mataas na suweldo mula sa magandang trabaho pagka-graduate ng inyong mga anak.
For instance po: Sa BPO industry natin, we are projected to surpass India—if not this year, by next year. India po ang number one in the world. However, ‘yung ating statistics po diyan, noong araw po, 1 is to 30: one is accepted out of 30 applicants. Ngayon po nasa around 1 is to 19. We want that to be better. Akala ko noong araw ho kasi ay 10 percent, hindi ho pala 10 percent. Parang five percent. We want that to increase and increase. So there are remedial programs by TESDA, among others, and the basic education sector themselves are seeking to prepare the student to have gainful employment and the skills necessary for gainful employment habang nasa eskwelahan pa lang. Hindi ho iyong gagawa ng problema, tapos aayusin. Iiwasan na nating magkaroon ng problema, kaya nga ho itong K + 12.
(‘Sensya na ho kayo, ‘pag kayo ang kaharap ko na-a-ad lib nang katakot-takot, baka marami pa kayong gagawin ngayong hapon.)
Nitong araw din po, dito sa Bacolod, dumalo tayo sa isang Regional Economic Managers Briefing. Sa pagpupulong na ito, nai-report sa atin ng ating Economic Managers ang mahahalagang hakbang na kanilang naisakatuparan upang mapabuti ang kalagayan ng ating ekonomiya. Ilan dito ay ang pagpapadali sa proseso ng pagnenegosyo, ang pagpapabilis ng pagkuha for instance, ng pasaporte at ang pagpipigil na sa red tape. Nanggaling din tayo kanina sa groundbreaking ng expansion building ng Teresita L. Jalandoni Provincial Hospital sa Silay City at namigay din tayo ng mga PhilHealth cards at Negros First Family Health Cards. Hindi ito health card na isang taon lang ang expiry at pinamumudmod para lang masabi na tinulungan kayo. Kabahagi ito ng ating matagalang solusyon tungo sa pagpapabuti ng kalagayan ng kalusugan sa buong bansa.
Ipinagdiwang natin nitong nakaraang linggo ang ikadalawampu’t limang anibersaryo ng EDSA Revolution. Gaano man kayo kalayo mula sa EDSA, tumatawid at buhay na buhay ang diwa ng People Power hanggang dito po sa Bacolod. Nakita naman po niyo ‘yung patuloy niyong pakikipagtulungan doon sa video presentation. Ulit, marami pong salamat sa inyong lahat.
Umaasa po akong ipagpapatuloy ninyo ang bayanihang ito—sa isa’t isa, sa inyong mga pamayanan, at sa inyong gobyerno. Ito ang bunga ng magandang simula na tinatamasa natin ngayon. Ito pa rin sana ang ipunla natin sa mga darating pang taon.
Muli, nakikiusap ako sa inyong pakikiisa at pakikisama. At bilang ganti, asahan naman po ninyo na panghahawakan ko ang aking mandato: ang pangunahan ang ating bayan tungo sa kaunlaran. Walang nagbago (‘eto po ‘yung mahirap napaarte ng speech ko; baka maging mura ho lalabas nito e): kamo man gihapon ang Boss ko.
Pangarap ko pong kapag bumisita ako dito limang taon at apat na buwan mula ngayon, habang nagrerelaks ako marahil—‘yun po kasi nag-retire na po ako by that time; June na po iyon, 2016, tapos tinutulungan ko naman ho siguro si Mar [Roxas] by that time. Mga ganoon ho, ano? Pagdalaw ko ho, nagre-relax po tayo marahil sa isang beach resort at kumakain ng siyempre lumpiang Bacolod ho, iyong may sarsa ng sarili, ano? (Hindi ako nagpaparinig.) Puwede na po—ito po ‘yung importante dito e—puwede na nating lingunin ang ating bansa, at sabihin: Malaki na ang pinagbago ng Pilipinas—mas mapayapa, mas maganda, mas maunlad.
At ito naman po ang ipina-practice nang dalawang oras na: Kari na kamo pakadto sa katumanan sang aton mga handum. Madamo gid nga salamat. Mabuhay kita tanan.
At bago po talaga ako magpaalam: Alam ho niyo talagang marami pong good news. Kaya lang imbes na pag-usapan po iyong good news, pinag-uusapan po iyong love life ko. At ayoko pong pag-usapan ‘yung love life ko ngayon ha?
Pero share ko lang ho kaunti naman sa good news. Alam ho niyo—at ito siguro ‘yung pinakabuod ng mensaheng kong gusto kong i-share—may mga araw ho—at ‘di ko naman puwedeng sabihin sa inyo nahanap na namin ang lahat ng problemang kailangang ayusin; ang dami ho talagang problema. Bigyan ko kayo ng sample. ‘Yung NFA po, National Food Authority; ang problema po ng NFA hindi na po bababa sa 177 billion pesos ang utang niya. Siyempre may utang, kailangan nating bayaran. Saan natin kukunin? ‘Pag pumunta ho kayo doon sa power sector, yung sa PSALM [Power Sector Assets and Liabilities Management], doon po inilipat lahat noong utang at ari-arihan ng NAPOCOR—sa energy, mga one trillion pesos ang utang po natin. Sample pa lang ho iyan. Baka masira ho araw niyo.
Dumating na nga ho ‘yung punto na parang hindi na ho tayo nagugulat sa mga katiwaliang nangyari. At sa dami ng problemang ito, kung mapapansin po niyo—kanina may nagpakita sa akin ng litrato ko noong kampanya—parang mas makapal nang kaunti ang buhok ko ho noon. Okay lang pong mawala iyan, mawala na rin ‘yung problema po ng bansa—fair iyon, fair. Good trade.
Ang punto lang ho nito, at gusto ko lang hong pagdiinan, habang nandiyan po kayo, ‘etong mga malalaking problemang ito, oras lang ho ang pinagiisipan at ang kailangan natin para malutas. Basta’t tayo po’y sama-sama, ‘pag ang interes natin ‘yung kapwa bago ang sarili, wala ho tayong problemang hindi kakayanin.
Kaya ulit: Madamo gid nga salamat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment