Statement of Secretary Roxas on Senator Revilla, February 21, 2014

Pahayag ni Kalihim Mar Roxas:Ukol kay Senador Ramon “Bong” Revilla
[Ika-21 ng Pebrero 2014]
Naaawa  ako kay Senator Revilla na dati kong kasamahan sa Senado. Kung anu-ano na lang ang sinasabi para mapagtakpan ang katotohanan. Payo ko, magpakatoo siya. Tigilan na ang pag-iimbento ng kung anu-anong script. Hindi ito sine. Totoong buhay ito na ang bawat gawain ay may kaukulang pananagutan.
Inuulit ko, ang problema ni Senator Revilla ay si Benhur Luy at iba pang whistleblowers at mga COA documents na nagsasabing paulit-ulit niyang ibinibigay sa mga pekeng NGOs ni Napoles ang kanyang pondo sa Senado.
Kung may lalabas pang mga bagong testigo na magdidiin sa kanya sa kasong ito, hindi na namin kasalanan iyon. Mas mabuting sagutin na lamang niya ang akusasyon ng mga ito at ipaliwanag ang mga opisyal na dokumentong nag-uugnay sa kanya sa Napoles scam.