New Year’s Message of President Benigno S. Aquino III


New Year’s Message
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
[December 29, 2010]
Isa pong manigong Bagong Taon sa inyong lahat.
Nitong 2010, tinanglawan ng pag-asa ang ating kinabukasan. Nagawa po natin ito sa tulong ng Poong Maykapal, at sa pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
Noong halalan, pinili ng nakakarami ang tuwid na landas. Dumami pa ang sumanib sa atin pagkatapos ng halalan. Dumami rin ang muling nagtiwala mula sa loob at labas ng bansa. Kaya naman sa darating na taon, umaasa tayo na mas bibilis ang ating pag-usad.
Hindi pa tapos ang laban. Marami pa tayong dapat baguhin. Marami pa rin ang nagnanais na manatili ang katiwalian at maibalik tayo sa kadiliman. Kapag tayo ay sumuko, malalayo tayo sa liwanag na atin nang nasisilayan. Kaya dapat nating mas lalong paigtingin ang ating pakikiisa sa paggawa ng tama.

Kung patuloy tayong magkakaisa, magiging mas makabuluhan ang mga hakbang na magagawa natin upang sa wakas ay makamtan na natin ang ating mga pangarap.

Nawa’y ipagpatuloy niyo ang inyong pagkalinga sa ating kapwa, ang inyong pagbabayanihan at ang inyong pakikiisa sa ating pagtahak ng tuwid na landas.

Muli, isang masaganang Bagong Taon sa ating lahat!

No comments:

Post a Comment