Speech of President Benigno S. Aquino III during the inauguration of the DND Conference Room and Mini-Museum

P-NoyImage via WikipediaTalumpati ni Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng Conference Room at Mini-Museum ng Kaggawaran ng Tanggulang Pambansa
[Inihayag sa Campo Aguinaldo noong ika-22 ng Pebrero 2011]

Ladies and gentlemen, magandang hapon po sa inyong lahat.

Hihingi po ako ng kaunting pasensya sa inyo ngayong araw. Mayroon po tayong talumpating hinanda. Kung mararapatin po niyo’y, ipapapatay ko nalang itong teleprompter para lang po iyong galing sa puso natin ang ating ibibigkas sa araw na ito.

Unang-una po, pasalamatan ko si President Ramos. Tinawag po tayong younger ; matagal-tagal na po tayong hindi natawag na younger. Salamat ho at mayroon pa ring kumikilalang bata-bata pa tayong kaunti.


Balikan po natin ang lumipas na panahon sumandali. Noong pinaslang ang aking ama, 1983, ako po’y 23-years old at noong po’y babalik kami, ako po’y nanumpa. Hindi sulit ang buhay ko—buti na ring mawala na ang buhay ko kung walang magbabago sa ating bansa. Sa kabilang dako, tumawid na po tayo roon, kung kay Julius Cesar iyon pong Rubicon, iyon pong pagtawid ko ang pagsakay sa eroplano pabalik ng Pilipinas—kailangan magbago para magkaroong saysay po ang sakripisyo ng aking ama at libo-libo pa nating mga kapatid.

At, batid po natin, na ang tangan lang naman pong poder ng ating diktadurya ay ang panakot at kawalan ng kalayaan o ang buhay mo ay kukunin. Kaya naman po kung tayo’y handa na na ibuhos po ang ating buhay para sa ating pong bayan ay wala na pong tangan sa atin ang diktadurya.

Kami po, sa mga kaanib namin noon, isinabuhay rin namin iyong—kung tayo’y umabot ng trenta anyos, suwerte na tayo. Ilang taon nalang po, aabot na po ako sa doble ng trenta. Kaya naman sinabi ko talaga, “Sinuwerte yata tayo kaunti, inabutan natin ang panahon na iyan.” At, suwerte ho talaga na minalasakitan tayo at minamahal tayo ng Poong Maykapal.

Ba’t ko po nabanggit iyan? Kung maalala niyo, mga imahe natin noong EDSA: dumating iyong mga marines—sabay pa nga ho namin pagkasundo ko sa aking ina mula sa domestic airport—eksaktong sinabayan namin iyong convoy papunta dito sa EDSA. Kaharap po natin iyong sa dulo ng convoy nila may dalawa pong marine, may dalawa pong M-16 na dala-dala. Mayroon po akong isang pistola na aking po’y itinago. Sabi ko, “Okay ito. Wala talaga tayong kalaban-laban dito.” At, pagkatapos nga ho ng EDSA, nagkataon, isa doon sa mga sarhentong parte ng command ng marines eh naging security ko. At, ikinuwento niya sa akin, karamihan ng kasamahan nila ay mga training noong mga panahong iyon; hindi po ganap na mga marines. Pagkatapos, eh tinakot ang nakararami at sinabing, “Sa harapan niyo karamihan diyan, Alex Bungcayao Brigade—tsumetyempo lang.” At, pagkatapos pa ho noon, kinalimutang pakainin. Hindi raw ho bababa sa 14 na oras bago sila nakatikim ng anumang pagkain o inumin. Tinakot ka na, ginutom ka pa, puyat ka, tense ka—siguro ho, hindi mahirap mangyari magkaroon ng putukan dahil nga ho nandoon na ang tensyong bumabalot sa ating lahat.

Ang tinitira ho ng nakakapa ng EDSA eh buong panahon eh ganoong karami ang tao, pero kami ho iyong “graveyard shift.” Pagdating ho ng three o’clock dito ho sa White Plains, ang barikada po natin sa EDSA Ortigas na rin mismo ay dalawang sandbag na hong nagpatong.

Kakaunti po ang tao noon; karamihan nag-uwian. Pero, siguro nga ho, talagang tayo’y biniyayaan ng Maykapal ng kanyang diwa para tayo ay talagang magmahalan at umunawa at mag-aruga sa bawat isa. At, naiwasan natin ang isang madugong himagsikan na siyang naging paraan ng pagpapabagsak ng diktaturya sa kasaysayan po ng mundo. At, iyong araw at mga araw na ding ‘yon, nakamtam po nga natin talagang matahimik na pagbabago.

Tama po and sinabi ni Senador Honasan kanina: itong pong araw na ito ginugunita po natin ang petsa—ang minuto na kung saan nanumbalik ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa paglilingkod sa taongbayan. Dito po pinairal iyong kanilang konsensya sa nakikita nilang problema na tama na—iyong pag-aalaga sa isang tao [at] isang grupo— panahon na alagaan po ang sambayanan.

At, gusto ko naman hong bigyang-diin, talaga pong anlayo na narating sa pangunguna po ni then [Defense] Minister Enrile at Vice Chief of Staff Ramos, anlaki na ng pinagbabago po ng ating Sandatahan Lakas. Ako po, parati pong pinagpupurihan—dumating ang sakuna sa atin pong bansa tulad ng bagyong Juan. Talagang hindi ko po makakalimutan ang lakas ng hangin, nagbabagsakan ang mga puno—nandoon ang ating kasundaluhan, kapulisan, sila mismo ang nagke-clear ng mga kalsada para tiyak na maabot natin lahat ng ating mga kababayang nangangailangan.

Ididiin ko rin po, may mga lugar na nasa mapanganib na sitwasyon. Hindi lang po pinuntahan ng ating kasundaluhan-kapulisan at iba pang miyembro ng Civil Defense para yayain na lumipat limikas sa mas maayos na lugar. Iyong iba ho sinasagot, “Bahala na ang Diyos sa kanila,”—binalikan pa ng ating kasundaluhan at kapulisan para lang ho masigurado at matiyak na ligtas ang ating mga mamayanan. Talaga naman pong, ano pa ang kailangan ng halimbawa o ehemplo na talagang nag-aaruga ang ating kasundaluhan-kapulisan sa ating pong mga mamayanan?

At, dahil doon nga po, gusto kong ibalita sa lahat, batid po natin na ang problema na po ba sa ating lipunan eh—bumaba na ‘to eh sa ating kasundaluhan-kapulisan. Isa ho sa mga problema ay ang pabahay. Ito po’y ipinangako ko noong unang-una kong talumpati dito sa Aguinaldo. At, nandito na po ang detalye.

Itong taon na pong ‘to, hindi ho bababa sa 20 thousand housing units ang ipagkakaloob natin sa kasundaluhan at kapulisan. Ano po ang magiging iskema? Magkakaroon po ng mga lupain na hindi bababa sa 30-square meters/ 21-square meter house. Pero, pinakamagandang parte po nito, imbes na nagrerenta sa kasalukuyan mula dalawang libong hanggang limang libo [piso] para po sa kanilang mga tahanan na inuupahan lang, ito po’y magiging pag-aari na nila sa pagbabayad sa unang limang taon ng dalawang daang piso kada buwan. Iyan po ang unang parteng inaasahan natin na matutugunan nating ang mga pangangailangan nito hong 140 thousand housing units bago po tayong bumaba sa 2016. Baka ho, kaunting suwerte, apat na taon tapos na ho natin iyang problemang iyan. Sa ganoong paraan rin po, iyong kakarampot na suweldo nga hong tinatanggap ay mapupunta na ho sana sa mga pamilya dahil mababawasan ang kailangang itulak po sa kanilang tirahan. Ulitin ko lang po, sa anim hanggang sa walong buwan matatapos po itong unang 20 thousand units—ito po ang unang bahagi ng pagtutugon natin sa problema ng pabahay sa ating kasundaluhan at kapulisan.

Ngayon, bakit ho natin ginagawa ito? Kayo po, nag-aalaga sa siguridad at kapayapaan sa ating pong bansa. Kayo po ay nagmamalasakit lalo na po sa tuwing may dumadapong sakuna. Siguro, noong 25 years ago today, nanumbalik kayong nakiyakap, nakisanib sa taumbayan—panahon naman rin ang taongbayan naman ang yumakap at umalaga naman sa inyo. Kaya ito ang una nating gagawin para—pangalawa na ho pala—para idadagdag na makabawas sa suliranin ng atin pong mga kasundaluhan at kapulisan.

(Kailangan ko lang daanan itong notes at baka magagalit na naman po ang aking speechwriter na ang pinaka-importanteng parte ay nakalimutan.)

Subalit darating po ang mga araw, tuloy pa rin ho nating haharapin ang mga suliranin. Tuloy pa rin hong magkakaroon ng mga problemang hindi naman po nating gawa. Nadadamay lang tayo sa nangayayari po sa buong mundo. Pero, ako po’y sigurado—sigurado sa iisang bagay lang. Tayo nga ho, sabi nga ni Senate President Enrile kanina, nagpakita ng halimbawa sa buong mundo kung ano ang kaya ng sambayanang nagkakaisa. Sa mga problemang haharapin natin kung tayo po, tulad ng sinabi ni President Ramos kanina, hindi natin titignan ang EDSA—apat na araw lang sa kasaysayan natin. Pero, kung titignan natin—EDSA na nagsasabing tayo ay may malasakit sa ating kapwa; tayo may pananagutan sa ating kapwa; tayo ay dapat kumilos ayon sa ikabubuti ng iba po at hindi pansarili lang—ano ba ang hindi natin mararating?

Sa tulong po niyo, magaganap na pong mapupuno natin na makuha ang mga ipinangako ng EDSA sa kanyang kabuuan.

Napahaba po ang ating talumpati; hihingi ako ng kaunting paumanhin sa inyo. Magandang hapon po sa inyong lahat. Maraming salamat po.

No comments:

Post a Comment