PNoy Speech at the Catholic Action of the Philippines National Leaders Conference


Talumpati
ni
Benigno S. Aquino III
Noong ika-10 National Leadership Conference ng Student Catholic Action of the Philippines (SCAP), na may temang “Change: A call to every Juan”
The SCA Philippines logoImage via Wikipedia[Inihayag sa Fleur de Lis Auditorium, Saint Paul University, Manila noong ika-11 ng Abril, 2011]
Napapansin po n’yo, wala tayong teleprompter itong araw na ito. Dalawa po ang dahilan noon: ‘yung una, hindi ko ho gusto yung ginawa nilang talumpati para sa akin; [laughter] pangalawa po ay siguro naman, dahil last time na may pangulo po ng Republika na humarap sa inyo, hindi pa ho kinakasal ang mga magulang ko, siguro naman dapat may mas malaman at mas madamdamin ang ating sasabihin itong araw na ito. [Applause]
Noong nakita ko po ang imbitasyon, sabi ko, talagang tumanda na yata ako. Panahon ko ho kasi Student Catholic Action pa lang ang pangalan nito. Ngayon, “SCAP” [Student Catholic Action of the Philippines]. Nadagdagan. Di ko man lang napansin na naging SCAP na pala siya. And I have to congratulate SCAP on its 75th Anniversary. I can guarantee that none of us before you were at the founding of SCAP.
And I also like to thank each and everyone. I understand that in our drives for change and transformation in our country, especially in last year’s election, you did support my candidacy; and for that, if I have an opportunity do the actual changes it is because of your help then. And I’m looking forward to having more of the same help as we continue the transformative process in our country.
Maganda ho siguro, ikuwento ko sa inyo yung isang exchange namin ng text messages ni Father Jett Villarin, Society of Jesus, na medyo ahead ho sa akin ‘yun sa Ateneo. Noong nasa Cagayan ako kamakailan, ti-next n’ya ako. Sabi niya, “kung may oras ka, dumaan ka muna dito sa Xavier University.” Sabi ko, “Father Jett, pasensiya ka na, lima ang lakad ko ‘tong araw na ito. Napaka-limited ng oras.” Sabi niya, “Naunawaan kita. Talagang mahirap ‘yang buhay mong napasukan na yan. Siguro ito na ang purgatory mo dahil didiretso ka na sa langit.” [Laughter] At doon ho tayo papasok talaga sa
ano ba ang gusto kong talakayin sa inyo itong araw na ito.
Noong isang araw kausap ko po si [DILG] Secretary Jesse Robredo. Pinag-uusapan namin ang gobyerno saka relasyon niya sa media. Sabi niya, “Alam ho n’yo, tignan n’yo yung carnapping. Last year—nagdala pa ako ng powerpoint nila eh—last year, there were, in the first quarter, there were a total of 489 cases of combined four-wheel motor vehicles and motorcycles carnapping incidents. Today, there is 200 in the first quarter of this year—255—for a reduction of 47.8 percent.” Okay.
Hindi ko ho sinasabi hong natanggal na natin ang carnapping, pero malaki ang dina-rop, okay. Pag dumating ho sa motorcycles, it is already 52.94 percent of a drop. Pero ‘pag binasa po natin sa mga diyaryo, sa TV, parang lumalala lalo ang carnapping. Ang alam ko ho ‘pag may drop, kumukonti at hindi ho increasing. Sabi niya, “Ang hirap ho dito, marami tayong nagagawa, pero ‘yung isang insidente lang, iyong pagkaka-kidnap doon sa anak po ni Atty. Lozano, ay para bang sira na ang buong programa.”
Ba’t ko ho pinasukan yung carnapping? Siguro ‘yun ho ang kaisa-isang tema.
Kung titignan natin ang maraming problema sa mundo, palagay ko po nagmumula ‘to sa kabaligtaran ng kung anong pagiging Katoliko. ‘Di ho ba pag Katoliko, sinasabi sa atin darating ang panahon haharap tayo sa Diyos, at tatanungin tayo, “Ano ba ang ginawa mo para sa kapwa mo?” Sa English ho, para mas precise: “What have you done to the least of my brethren?” At dinagdag pa doon, “You have done unto me.” So ‘yun ho ang problema, parang baligtad na baligtad na ang mundo. ‘Pag mayroon hong nag-carnap, ‘di ba, may isang tao, may-ari ng sasakyan, pinaghirapan niyang makamtan ‘yung sasakyan, may darating, aagawin, walang pakialam doon sa… ‘yung interes o kapakanan noong kanyang kapwa.
Pero baka mas simple: polusyon. Polusyon, lahat tayo nakakita na siguro ng bus na bumubuga ng katakot-takot na itim na usok. Nakakita tayo ng motorsiklo na pag pinaandar, nawawala na yung motorsiklo sa kapal ng usok. [Laughter] Alangan namang hindi napapansin na nung nagpapatakbo noong sasakyan na yun na talagang grabe ‘yung polusyon na ibinibigay niya.
Noong more or less kaedad n’yo ako, mayroong kasabihan, “Tumingin  ka sa langit,” ‘ka niya, “’pag nakita mo ‘yung mga estrelya, malamang hindi uulan.” Dito po sa Metro Manila, kadalasan tumingin ka sa langit, nawawala lahat ng estrelya. Sino ho ang nakakita within the last week ng estrelya dito sa Metro Manila? Pakitaas lang po kamay. Now, the problem is 80 percent of the pollution in Metro Manila is due to motorists or to motor vehicles. Or as they put it, “mobile installations.”
Alam ho n’yo, hindi lang naman ho iyong nagpapatakbo ng sasakyan na walang pakialam—puwes, “Eh, ba’t ko papa-repair ito, tumatakbo pa naman. Basta bahala na kayo. Pag nabuga ko na itong usok na ito, wala na naman ako dyan, eh. Pakialam ko ‘yung maiwanan dyan.”—kasabwat na rin po yung mga unethical na smoke emission testing centers. Saan ho ba kayo nakakita, te-testing mo nonappearance? Hindi ho dumating ‘yung saksakyan, ise-certify na nagko-comply sa Clean Air Act. Paano mo mase-certify, di mo naman nakita? Eh ‘di wala ring pakialam ‘yung unenethical na smoke emission testing center ‘kung ang lalanghapin nung susunod na salinlahi ay talagang puno ng polusyon.
Siguro isang example na lang: May bakbakan kami ngayon noong Ombudsman. Siguro isang case na lang ang pinakamaganda doon, ‘yung kay Garcia. Sabi ho nila wala raw kasong matibay laban dun kay General Garcia doon sa paglulustay po niya, pagkakamkam ng pera po ng Armed Forces of the Philippines. Si [Justice] Secretary De Lima sabi sa akin, “Ano pa bang ebidensiya ang kailangan?” Itong si General Garcia nag-alok ng higit 120 million pesos, isosoli raw sa gobyerno. Ina-accuse kasi siya na over P300 million ang kanyang plinunder [plunder]. So, isipin po n’yo, ano. ‘Yung nagkaroon ng plea bargain or sinusubukan magkaroon ng plea bargain, isosoli niya hindi man kalahati noong sinasabing hindi sa kanya. Dapat pa tayo magpasalamat sa kanya. Dapat pa tayo magpasalamat doon sa Ombusman na nakabawi tayo ng over 120 million.
Iiwan ko na ho sa inyo ‘yan, ano. ‘Pag ikaw ba ninakawan, ibabalik sa iyo, ‘di man kalahati, ang sagot mo ba doon, “thank you?”
Anyway, so in that context, talagang iyong pagtitipon n’yo itong araw na ito, talagang malaking bagay, ‘di ba? Puwede naman kayong nag-Internet na lang. Puwede naman kayo nagtanong, “Ano ba ang sineng palabas?” O baka nagtanungan kung anung nangyari doon sa teleseryeng hindi nyo nakita kagabi. [Laughter] Or i-check kung paano makadagdag ng load n’yo. In short ano, ‘yung sa mga problema po ng ating mundo, kung babalik tayo na parati na lang, “Ano ba ‘yung sa akin?” as opposed to “Ano ba ‘yung magagawa ko  sa kapwa ko?” ay talagang walang mangyayari sa atin po.
At kayo, sa paglitaw n’yo itong araw na ito, sa pagtulong n’yo sa mga programang tulad ng pagbibigay ng spiritual formation that produces the Christian leaders who will work for social transformation, talaga hong dapat palakpakan n’yo sarili n’yo at talaga ‘yun po ang importante. (Applause)
Ngayon, baka naman pag-alis n’yo dito—kanina optimistic kayo; ‘tapos ng misa talagang buhay na buhay tayo, hindi ho ba? ‘Tapos puro bad news ang makakamtam n’yo, baka naman sumuko na kayo. Hindi ho. Marami hong good news.
Among the good news: Siyempre, nabanggit ko na po, carnapping incident is down. Eh alam niyo ho even the pollution index in Metro Manila has been improving. Sabi po ni Secretary Paje ng DENR, it has improved—pero di pa naman ganun ka-dramatic. But to be honest, ano, there are days—I live in Manila—there are days already that there are stars that I managed to see: Really, aba, mukhang umaasenso na yata tayo maski papano.
And even as far as the Ombudsman is concerned, ‘yung with her tremendous power to file charges and cases against anybody and everybody in government, and also with the people who will be accused of joining these people who have been charged, we have succeeded at least in getting out of the House the Articles of Impeachment and for trial in the Senate in about a month’s time. Okay.
So, bottom line po, ‘yung hinahabol nating pagbabago, talaga naman pong nangyayari.
Ang pagka-intindi ko, marami raw ho sa inyo college. Noong ako po’y college, siyempre panahon namin Martial Law, so ‘yung una naming problema, kami ba’y ikukulong. Kung ikukulong kami, ‘di ba kami isasakdal, gaano katagal kaya kami ikukulong. At kung sakaling hindi ka naman ikulong, sana may trabaho kami. At noong panahon nga ho na iyon, talagang napakahirap ng trabaho. Hindi ko naman ho sasabihin na ngayon napakadali ng trabaho, pero alam ho n’yo, talagang mahihirapan akong hindi maengganyo sa mga pinupuntahan nating iba’t ibang lugar dahil talaga napakaraming good news.
For instance, mayroon pong kumpanya, ang ngalan niya ay Convergys. Late last year, pinuntahan namin ang inauguration noong kanilang facility dito po sa San Lazaro, malapit lang po dito yun. And then at that time, they had about 20,000 workers. They are a BPO, a major BPO entity, and I had occasion to see an ad on a bus that said: “Convergys, 30,000 and still growing.” So, they are opening at least five new sites this year. Each site will produce about 2,000 workers. And the 2,000 workers, in turn, will induce other services—‘yung mga 7-11, ‘yung mga convenience store, Starbucks, etc. For each job in the BPO industry, you produce  another five. So, the five sites at 2,000 each produce 10,000 workers. The 10,000 will induce another 50,000 workers in various service categories. And that helps me fulfill my promise of getting more jobs.
Yung AG&P, there was a time it was the biggest construction company in the country. It fell on very hard times. Today, it has resurrected itself. It has 10 billion dollars in existing contracts. It has room for an additional 4,000 workers that they’re desperately trying to recruit to service nga all of the contracts that they already have.
When I visited them, alam mo, ‘di mo akalain magagawa natin sa Pilipinas iyon, at least in my lifetime: They built a factory, an oil refinery, for the sixth largest oil refinery in the world; for British Petroleum. They’ve built it on a modular basis—kumbaga, ginawa mo iyong factory, ‘di pa assembled, ishi-ship to America and Indiana. At ‘pag tayo doon, it will even enhance—baka ‘yung sixth might become the fifth largest refinery in the world. Pero again, they saw the comparative advantage that exists in the Philippines, tapos isipin niyo 80 modules, siguro each module would fit inside this auditorium.  Eighty of those we will ship and they will assemble in Indiana. And the best thing about it was their quality control people—of British Petroleum—came to the Philippines, examined everything and found zero defects. Walang pina-correct. Tapos na ho yata yung puwede na iyong puwede na. Hindi na ho. Ngayon, puwede na iyong perfect. Kaya my hats off to AG&P.
Mga dalawang points na lang po, baka naman paantukin ko na kayo ng husto. Kada makausap ko po ang kabataan, isa lang ang pinapaalala ko: ‘Yung mga problema ng mundo, sabi ng magulang ko sa akin noong more or less age niyo ko, sabi nila hindi mo pa problema ito. Pero paghandaan mo na paghusayin ‘yung sarili mo, dahil darating ang panahon, kaming nauna sa inyo magre-retiro na, mawawala na dito sa mundo, kayo naman ang may responsibilidad. At siguro tanungin natin muna, why? Kung saka-sakaling tama ang gagawin natin sa pagbabago ng ating lipunan—dahil mas bata kayo sa akin, siguro mga nasa 20 and below kayo, so three-fourths of your life expectancy is still ahead of you. Ako naman po lagpas na ako ng 40, therefore, kalahati na lang ng buhay ko natitira sa akin. Punto po niyan, kung tama ang gagawin natin collectively mas matagal kayong makikinabang sa gumandang lipunan natin, ‘di po ba? May reverse siyempre yan. ‘Pag pumangit naman ang mundo natin, mas matagal kayong magtitiis kaysa sa akin. [Laughter]
Bottom line, talagang nasa mas interest ninyo na maki-alam, makilahok, at talagang makisama sa pagsasa-ayos po ng ating lipunan. Ngayon, ano ang mga puwede nating gawin? Alam niyo ang hirap talaga kapag kino-confront ‘yung mga problema ng mundo, talagang may tendency maging maliit. Doon na mag-uumpisa, ‘yung “wala akong pakialam,” “huwag na ako makilahok,” “basta ayos ‘yung akin wala na akong pakialam sa iba pa”; at doon nga ho nag-uumpisa lahat ng problema natin. Pero every time na kikilos tayo—kunyari, darating na ‘yung exams: Madali nga naman talagang maghanap ng pinakamagandang paraan gumawa ng kodigo, baka high-tech na kodigo na ngayon, tinatransmit through text. Pero at the end of the day, did you prepare yourselves? Did you do justice to the people who took time out, who exerted so much effort, who expended their treasure to get you to the point that you have a diploma that certifies that you are properly trained?
Tayo ho ba, puwede tayo magtiyaga nang konti? May nakita tayo sa ating—kunyari tayo ay sumasakay ng public transportation—‘pag nakita nating itong sasakyan na ito ay hindi nakikisama sa lipunang walang pakundangan magdagdag ng polusyon, baka puwede tayong maabala, huwag tayong sumakay doon. I-boycott natin ‘yan hanggang umayos-ayos ang kondisyon niya. Hindi naman siguro ganoon kahirap ‘yun, ‘di ho ba? Dahil sa Metro Manila ho, there’s something like 12,000-plus busses plying the routes, when we only need 3,600. So ang dulo po niyan ay, talagang sila ang naghahanap ng pasahero versus tayo ang obligadong sumakay sa kanila.
Dagdagan ko pa po. [Coughs] Excuse me, sobrang marami raw beses akong magsalita kaya ako’y ubo ng ubo. Nagpunta po kami sa Palawan. Sa Palawan po mayroon silang tinatawag na underground river. Itong underground river na ito talaga nakaka-enganyo po, ‘yung buong komunidad nagtatrabaho—simula’t-simula at binigyan sila ng biyaya ng Diyos, ‘di ba—na pagtulungan i-preserve itong underground river na ito. It is now one of the last 28 contestants in a contest called “New Natural Wonders of the World.” Ang pakinabang po niyan is, ‘pag pinag-uusapan lang ‘yung lugar niyo, maski kahit gaano kaluma na tulad nung Taj Mahal sa India, nagkaroon ng enganyo sa turismo. Sixty percent ang dinagdag because of this contest—that was called the “New Man-made Wonders of the World”; tayo naman po doon sa natural. So ‘yung contest will eventually come up with seven winners that will happen by September. So out of the hundreds and hundreds of nominees and candidates, we are down to the last 28. If, indeed, we get to the last 14 that increases tourism by about 40 percent, and that is a big number. Tourism naman in turn induces so many jobs. So ito po ang opportunity natin.
You can text PPUR. Let me repeat that, text PPUR and send to 2861. That is the way to win votes. In the Philippines we have 80 million cellphones. Eighty million cellphones for 95 million Filipinos. Sabi ko, ‘di ko akalain 15 million pala ang natira nating infants or babies. [laughter] Pero ‘di ba, parang halos lalabas na everybody has, practically. Ninety-five million Filipinos, 80 million users.
So dulo po niyan, isang text niyo na imbes na sabihin ninyong “kamusta ka diyan,” sasagot sa iyong “wala lang” [Laughter], baka puwede kayong dalawa magkasundo na kayo text PPUR send to 2861.
Now, can I just advertise some of the programs government already has. There’s a National Youth Commission Volunteers program and it encourages the youth to volunteer their time, talent, efforts, and values advocacy and skills enhancement activities programs. NYC accepts volunteers, to submit prescribe requirements, and who are issued NYC volunteer passport to serve as their record of participation.
There is a government internship program also under the NYC and you work for government for about two months, you receive a monthly stipend equivalent to 75 percent of the existing minimum wage. The program aims to assist students and out-of-school youth primarily to augment their school fees, while learning how our government indeed works. We have the Ten Accomplished Youth Organizations, which is a yearly program. Ito po ‘yung mga halo-halo pong mga NGOs at advocacies nila. Ang naalala ko pong isa, nasa Baguio po siya, problema nila sa Baguio, napakaraming mga gang. Tapos ang advocacy niya, itigil iyong pag-aaway nitong mga gang na ‘to, at matigil yung violence po sa Baguio. Kaya po ‘yung kanilang organisasyon isa sa naging awardee.
There are advocacy campaigns of the National Youth Commission, it encourages healthy lifestyles of the youth, anti-drug and substance abuse, adolescent—huwag na nating pag-usapan yung isang yun—promotion of good citizenship, among others. We have other volunteer service organizations: Red Cross, the Pag-asa Youth Association of the Philippines, and others.
CHED also has its national orientation of student leaders. Bottomline, and the end of the message, is this:
Uulitin ko lang nga ho, nag-aapila ako sa kabataan ngayon. Kayo talaga naman ang pag-asa ng kinabukasan, pero kayo rin ang puwedeng maging solusyon ng kasalukuyan. Kayo po kasi ang napakaklaro: Ano ba ang tama, ano ba ang mali? Kayo ho siguro ang puwedeng gumising doon sa mga nagtutulug-tulugan na pagkatagal-tagal nang umiiral ang kanilang sistema na walang pakialam. Puwede po niyong sabihin, magtatanong lang, sa isang driver ng sasakyan na nagpo-pollute, “Kuya, tama ba na maiiwan mo sa amin hangin na hindi puwedeng mahingahan,” di ba? ‘Yun pong nagtatapon ng basura sa mga ilog na parati tayong may floods. Dito po malapit rin ‘yung Paco. Sa sobrang daming itinapon na basura doon po sa creek, sa likod ng Paco Market, wala na po ‘yung creek, puwede na kayong maglakad ‘pag tatawid noong pampang. Pero buti lang may grupo nakialam, nakilahok, at ngayon po binubuhay na nila ‘yung Paco creek na ‘yan.
‘Yung Paco creek po, puwedeng maging source of life, ‘di ba? ‘Yung mga isda, alam naman po ninyo ‘yung chain, di ba? Wala talagang bahagi ng creation ng Diyos ang puwedeng mabuhay na nag-iisa. Lahat po niyan ay dikit-dikit, ‘yung ating biosystem, importante pa ‘yung biodiversity. So, nakialam po sila, binubuhay na nila ulit ngayon. Nagtulong ang public sector, nagtulong ang private sector, at diyan po, hindi nila sinabing wala kaming pakialam, ‘di naman kami ang gumawa niyan. Sila po nakialam, binuhay nila ulit ‘yung Paco.
So, doon ho. ‘Yung magtatapon sunod ng basura … . Alam niyo, mayroon po tayo kasing mga river systems na sa dami ng polusyon na iniwan doon, mayroon na pong bumubulusok na methane gas. Siguro naging factory na ng methane gas. Ano ba ‘yun, sa decomposition iyan eh. So ‘yung bang pag nagtatapon, puwedeng sabihan, “Kuya, ate, tama ba naman na diyan mo itatapon? Dahil mayroon nga tayong Solid Waste Management Act, batas po yan eh.”
In short, kung may tumutulak ho sa amin noong panahon na parang kulang mag-hope. Umasa kami, nanaginip kami. ‘Di naman kailangan tanggapin ‘yung nangyayari ngayon eh, puwede naman tayo may gagawin dito. Sa atin pong pagtutulungan, ‘yung minana nating problema, problema talaga yan. Pero ang pangako ko naman sa inyo, ‘yung kinabukasan ‘di hamak gaganda basta nagkatulungan po tayo.
Magandang araw po sa inyong lahat. Maraming salamat po.

No comments:

Post a Comment